Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isang psychic, nakita na umano sa pangitain ang gamot sa COVID-19


Bago pa man pumasok ang taong 2020 nakita na ni Jay Costura sa kanyang panaginip na ang mga tao na nagtatakip ng mga ilong at naglalayuan sa isa't isa, Isa nga ba itong pangitain ng COVID-19.


Disyembre 2019 pa raw nang makita ni Jay sa panaginip ang isang sakit na dala ng hangin dulot ng virus na nakamamatay.

"Pero ang nangyayari po kasi sa akin is puro warning signs siya. Lagpas na po sa bilang ng daliri ko tsaka sa paa ko 'yung mga panaginip na nangyayari talaga siya," sabi ni Jay sa isang interview.

"Ang nakita ko po sa dream it is very clear na ang mga tao po ay nakatakip siya tapos lumalayo sila sa isa't isa so kinabahan agad ako. Tapos paggising ko, nagtaka ako bakit ang mga tao ay natatakip ng ilong nila tapos nakita ko doon na they are wearing masks," dag dag pa ni Jay.

Nagpahiwatig naman ng lunas sa sakit ang sumunod na panaginip ni Jay, "Ang sumunod na dream ko kasi is 'yung nahimatay ako tapos binuhat ako ng malaking kamay na nagliliwanag, tapos pinainom lang niya ako ng clear water. May pinakita kasi sa akin na parang itim na hangin, tapos pinainom ako ng tubig lang na malinaw."
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive