Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pulis na namakyaw sa paninda ng isang bata sa Cam-Sur, hinahangaan ng netizens


Napaaga ang uwi ng isang bata sa Camarines Sur matapos pakyawin ng isang pulis ang kaniyang mga panindang sitaw.


Ayon kay Rolyn Garbo na siyang nagbahagi ng kwento sa social media, tutulungan niya sana ang bata ngunit laking gulat niya nang mismong ang pulis na ang lumapit rito upang bilhin ang mga panindang sitaw.

Matapos pakyawin ang paninda ay pinaalalahanan pa raw ng pulis ang bata ang panganib na dulot ng paglabas sa bahay lalo pa sa menor de edad na tulad niya.

"Babalikan sana namin nang makita namin ang mag pulis na ito na pinakyaw lahat ng paninda ng bata sa lugar at pinaalalahanan sa siguridad lalo at menor de edad at babae ang bata na nasa tabing kalsada at walang kabahay bahay," sabi ni Rolyn.

Marami naman ang natuwa sa ginawang kabutihan ng pulis. Umaani ito ngayon ng samu't-saring komento sa social media.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive