Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

ABS-CBN, muli na umanong pinababalik ang mga tinanggal na empleyado


 Kumakalat ngayon ang bali-balita na unti-unti nang pinapabalik ng ABS-CBN ang mga pinagtatanggal nitong empleyado matapos ang pagsasara nito noon lamang Mayo.


Isang datihang empleyado kasi ng ABS-CBN na nagngangalang Jon Montesa ang nagbahagi sa isang social media platform ng balitang muli na siyang pinapabalik sa tv network.


Sa isang twitter post, nakadikit ang mga screenshot  kung saan ipinapaalam ni Montesa sa kaniyang na muli na siyang magtatrabaho sa ABS-CBN.


"God’s way of reminding me that He’s more powerful than 70 congressmen. Unti-unti, #BabalikDinAngABSCBN," sabi pa ni Montesa sa kaniyang caption.


Dahil dito, marami ang naghihinala na baka malapit na muling mabigyan ng prangkisa ang kompaniya upang magbalik operasyon.


Kamakailan lamang ay sinabi ni Deputy Speaker at Buhay Rep. Lito Atienza na maaaring mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN sa 2021 sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Lord Allan Velasco.

Share:

4 comments:

Popular Posts

Blog archive