Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Babaerong mister, tinaga sa mukha ng sariling misis habang natutulog

Nagtamo ng malaking sugat sa mukha ang isang mister sa Cabugao, Ilocos Sur matapos itong tagain habang natutulog ng kanyang sariling asawa.


Nagtamo ng sugat si “Rolly” sa itaas ng kaniyang bibig sa pananaga ng kanyang misis. Kasalukuyan namang nakakulong sa himpilan ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalang "Mercy.

 

May nakakakita sa kaniyang mister na laging may kausap sa telepono na hinihinala niyang babae nito, ayon kay Mercy.


Nang komprontahin umano niya ang kaniyang mister, nagbanta raw itong iiwan siya at sasama na sa kaniyang babae, dagdag ni Mercy. Dito na raw nagdilim ang isip ng suspek kaya nataga ang kaniya ang asawa habang natutulog.


Iuurong daw ni Rolly ang kaso para makalaya ang kanyang misis alang alang sa kanilang mga anak.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive