Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Halagang P100k na parol ng na-bogus na lantern maker, pinakyaw ni Mayor Isko Moreno

Sinalba ni Manila City Mayor Francisco "Isko" Moreno ang pasko ng isang lantern maker matapos nitong bilhin ang 700 na parol na inorder ng isang ghost buyer.


Kamakailan lamang ay nag-viral ang lantern maker na si Maximo Simon o mas kilala bilang Tatay Lakay Junior matapos niyang ibahagi sa social media na isang buyer ang nagkansela ng kaniyang mga inorder na parol na may halagang P100,000.


Sa isang video, makikita na lamang na umiiyak si Tatay Lakay dahil sa nangyaring pagkansela ng mga order.


“Di na kukunin yan ng buyer sayang 100k lahat ng bayad yan paano na ako baon nanaman ako sa utang,” sabi pa ng kaniyang asawa.


Mabuti na lamang at noong Biyernes ay kusang loob na binili ni Mayor Isko ang lahat ng parol na inorder ng ghost buyer kay Tatay Lakay.


Nag-post pa nga ang Misis nito ng larawan sa Facebook ng mga tauhan ng alkalde bitbit ang daang-daang parol na matiyang ginawa ni Tatay Lakay. 

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive