Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Sumuko ang ama matapos mapatay ang dalawang anak sa Taguig


 Sumuko ang isang 29-anyos na ama na si Aiko Siacunco sa mga awtoridad matapos niyang mapatay ang kanyang dalawang anak sa Taguig City.


Kinilala ang suspek bilang si Aiko Siacunco, residente ng North Signal at walang trabaho, Ayon sa binigay na impormasyon ni Police Colonel Celso Rodriguez nitong Biyernes.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, unang nagpakamatay ang asawa ni Aiko nitong Huwebes.


Sa kadahilanan na gulong-gulo na ang suspek na si Aiko kung papaano niya bubuhayin ang kanilang dalawang anak na tatlo at isang-taong gulang pa lamang kaya naisipan nalang ibigti ang mga ito.


"Kaninang umaga natagpuan at mismong nagturo doon sa kwarto nila ay 'yung suspek kasi nga nakaligtas siya sa kanyang pagbigti," sabi ni Rodriguez


"Kagabi natagpuan din siyang nagbigti, nadiscover 'yan... noong nagbigti nga siya, imbes na maglamay 'yung padre de pamilya eh kanina siguro gulong-gulo siya kasi sabi niya hindi niya malaman na kung paano bubuhayin 'yung dalawa," sabi ni Rodriguez.


Matapos magawa ang krimen, nagtangka ring magpakamatay ang suspek pero nakaligtas siya.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive