Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isa sa mga nakasama ni Christine Dacera sa year end party ay may dalang ‘powder drugs’


 Itinatanggi ng mga ilang kaibigan ni Christine Dacera na wala silang nakitang “droga” sa kanilang year end party sa isang hotel sa Makati City, base naman sa testimonya ng  isa sa mga dumalo lumilitaw na may nakita siyang “powder drugs”.


Ayon sa GMA NEWS, sinabi na nakasaad umano sa sinumpaang salaysay ni JP Dela Serna na isang "Mark Anthony Rosales" ang  nagdala ng “powder drugs.”


"bandang 1:00 am ng January 1, 2021 ay may ipinakita si Mark Anthony Rosales habang kami ay nag-iinuman na may dinukot siya sa kaniyang medyas at ipinakita sa amin ang isang powder drugs na nakabalot sa plastic," saad sa salaysay.


Kamakailan sa isang press conference ng ilang kaibigan ni Dacera na kasama sa hotel, ayon kay Rommel Galido na nagsumbong sakanya ang dalaga na si Christine na may inilagay si Mark Rosales sa kaniyang inumin kaya nag iba ang kanyang pakiramdam.


“Tumabi siya sa’kin, then sabi niya, ‘Sis, parang I feel something, parang naiiba ‘yung pakiramdam ko.’ I think merong naglagay sa drink niya, sabi niya sa’kin. Then sabi ko, ‘Who?’ and then sabi niya, ‘I think Mark,’” ayon kay Galido.


“Then sabi ko lang sa kanya, ‘Gaga, kung ano anong pinag-iisip mo.’ Gumano’n lang ako sa kanya then dinedma ko na siya, bumalik na naman ako sa pagtulog,” dagdag pa niya. 


Samantala, sa tulong ng security camera ng hotel, nalaman na dakong 7:00 am nang mag-alisan ng hotel ang ilan sa mga lalaking umukupa sa Room 2207, ang katabing kuwarto na 2209 naman ng grupo ni Dacera.

Share:

1 comment:

  1. Halata nman na iba na knikilos nya, d yun epekto ng alak lng may halo yun

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog archive