Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Vlogger na si Denso Tambyahero pinakyaw ang tinda ng ice cream vendor


Ang vlogger na si Denso Tambyahero ay isang rider na ugaling tumulong sa kapwa na nangangailangan saktong napatigil ito sa kanyang pagmamaneho ng mapansin niya ang isang ice cream vendor na naglalakad mag-isa.


Kapansin pansin ang ice cream vendor na kinilala bilang si kuya Letoy na malungkot siya sa kadahilanan na wala pa siyang nebebentang ice cream dahil na rin siguro sa lamig ng panahon kaya wala masyadong bumibili sakanya.


Habang nag lalakad ang ice cream vendor na si kuya Letoy para makapagremit napansin niyang papalapit ang isang rider at nagtanong ito patungkol sa kanyang trabaho bilang ice cream vendor bakas sa mukha niya ang kanyang pagod.


Sa una binigyan muna niya ito ng halagang 1,000 pesos at binigyan ang mga dumadaan sa kalsada pati na rin ang mga bata binigyan na ng ice cream pinakyaw na lahat para maubos na ang paninda niya.


Nang malapit ng maubos ang paninda ni kuya Letoy,binigyan pa ito ng mahigit na 2,500 pesos para mabigyan pa niya ang kanyang mga pamangkin at mga kapatid dahil sila nalang ang mga kasama niya sa bahay.


Sa sobrang saya ni kuya Letoy nag mamakaawa nalang siya na ibalik ang kanyang pera dahil sobrang laki na ito hindi niya akalain na may tutulong sakanya ng ganito, sobra sobrang pasasalamat niya sa rider na si Denso.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive