Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Panindang hipon ng matanda, itinapon ng taga-barangay

Halos maiyak ang isang matanda matapos itaob ng awtoridad ang kaniyang mga panindang hipon sa gilid ng Maligas sa Dagupan dahil umano bawal ang magtinda sa puwesto na kaniyang kinaroroonan.


Ayon sa kwentong ibinahagi ng isang netizen sa Facebook page na Pilipinas Trending viral, nagtitinda ng hipon ang matanda nang sa gayon ay mayroong mapagkakitaan sa gitna ng pandemya.


Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na lamang umano itinapon ng opisyal sa barangay ang mga paninda ng matanda dahil pumwesto siya sa lugar na hindi pinapayagan ang mga tindero at tindera.


Dahil dito, nagkalat sa daan  ang mga panindang hipon at walang nagawa ang kalunos-lunos na matanda kung hindi pulutin ang mga ito isa-isa.


Komento ng marami sa mga netizen, sana ay kinausap na lamang ng taga-barangay ang matanda ng masinsinan sa halip na itapon na parang basura ang kaniyang paninda.

Share:

1 comment:

  1. Cnung official dapat inereklamo sya ng mga nkakita..khet n may nalabag yung tindera..di mkatarungan n itapon lng paninda..bastos n offial yan...mali sya oo..dapat kinausap man lng...

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog archive